Slow motion yet so fast

Ayokong makalimutan to, now, I am 21, I was once with you.

Papasok tayo sa sinehan, maghahanap ng uupuan. Hinawakan mo yung kamay ko. Natatandaan ko, the way my fingers slowly filled up the spaces between your fingers.

It is more than nakakakilig, yung feeling.

Pakiramdam ko secure na secure ako and safe with you by my side.

Hindi ko din napigilan hawakan yung kamay mo all throughout. Hindi ako nakapagconcentrate sa movie.

Nakuha mo yung loob ko. Wala akong pinapansin na iba, ikaw lang. Ang swerte mo? Halos nakikita ko rin yung sarili ko na katabi mo for the rest of my life. Konting push pa. kaso naging mabilis ang lahat. Nakakaloka.

Inamin ko din na gusto kita. Gusto kong sagipin ka sa heartbreak na baka mapala mo sa kanya. Pero mukhang sakin pala babagsak yung heartbreak na yon.

Biglang naramdaman ko, nagstep back ka. Dahil ang easy-to-get ko ba? Naniniwala ka ba na when she’s easy, she’s not gonna be worth it? Naniniwala ka ba na ang EZ ko? Na hindi ako magiging worth it? Kase ang bilis kong nahulog.log..log… E anong gagawin ko? Yun din naman talaga yung nararamdaman ko. Magpapabebe ba talaga dapat ako? Shet kala ko di na uso yon. Hindi din naman ako sigurado pa kung mahal ba kita dahil ang bilis bilis diba? Pero tanong ko sa sarili ko, kung iyon na ang huling araw ko sa mundo, ipagkakait ko pa ba sa’yo ang mga salitang “Gusto din naman kita..

Para sa akin, worthy ka. Parang naramdaman ko na mas masaya siguro kung magiging parte ka ng buhay ko. Imagine the things na pwede natin gawin together. Exciting! Pero nagaalangan ako, kung magiging masaya ka nga sakin.

Kasi ang gulo gulo mo.Naisip ko na mukhang hindi ko kayang ipilit to. Parang chaos, kumplikado. Parang hindi pa panahon. . tamang panahon.

Hindi pa din kita kilala. Nagtake na naman ako ng risk. Napaka gaga. Ganyan ako kaadventurous. Bat ko naman pipigilan yung sarili ko na sumama sa taong may tiwala naman ako. Yan, dito yata ako laging talo. Sa ganitong mind setting.

Pero nagkamali nga ba ako sa’yo? Katulad ka rin nga ba ng iba?

Naisip ko na lang na sana bigyan tayo ulet ng chance. Kung talagang tayo ha. Sa ibang lugar at ibang taon. Sana makilala kita ulet.Yung okay ka na, at mas okay na ko; sa isang coffee shop habang nagbabasa ako ng libro o sa restaurant o sa mall. Yung wala kang ibang kasama, at ako din ganon.

Hindi ako umaasa at this point pero sana mabigyan lang ulet ng pagkakataon.

We are not getting any younger.

Pero kung hindi naman na, okay lang din. Thank you for the little happiness.

Yun lang,

jhols.

Advertisements

Published by

Jnnpld

Hi, I'm j, 21 years of age. I am a fresh graduate of architecture. I want to explore life to the fullest. And if you want to talk to me, please do. jannapalad@gmail.com

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s