Achy Breaky Hearts, movie inspired blog entry

“Kamusta kayo?” tanong niya.

Tanong ng taong nagparaya para sa akala niya ikasasaya ko.

“Okay lang kami.” sabi ko naman, kahit hindi.

Ang totoo, hindi na kami naguusap. Lumayo na ko sa kanya kase mali. Mali na magsettle ako sa taong may mahal namang iba at hindi sigurado na magsesettle sa akin.

 

Katulad na katulad ng kwento ni Chinggay sa ‘Achy Breaky Hearts’ ang kwento ko, in a mild level nga lang.

 

Sa tagal ko na ding naghihintay, limang taon.

Ni hindi ko pa nga talaga alam kung paano talaga mainlove.

Ang dami ko na ding naipon na love sana na pwede kong ibigay sa taong gusto ko at mamahalin ko.

Pero mukhang hindi pa ito ang panahon.

May mga inaayos pa ako sa buhay ko, binubuo ko na ng mas matibay yung sarili ko para mas maging handa ako pagdating ng tamang tao.

Hindi nga kase daw sapat na mahal ko at mahal niya lang ako.

Kailangan parehas kaming maging handa sa lahat. Handang magmahal, handang masaktan, handang magsakripisyo.

Yung pagmamahal na hindi pinipilit, yun yata yung pinakamasarap na pakiramdam sa lahat. Yung unconditional, yun yung masarap pagsaluhan.

 

Nakakapanghinayang, oo. Sino ba naman yung hindi manghihinayang sa relationship na ang saya saya sana kaya lang parang may mali talaga. Yung alam mong hindi ka naman talaga magiging totally masaya.

 

Pero sabe nga nung nanay ni Chinggay, na pinakinggan ko talaga, kung nakaya niya na wala sila sa buhay nya sa loob ng matagal na panahon, kaya niya na wala sila ngayon. Na ang pinakamahirap mahalin ay ang mga taong naging single na ng matagal na panahon dahil buo na sila. Hindi nila talaga kailangan ng kabiyak.

 

Pero oo din naman, malungkot. Malungkot mag isa. Nakakasungit, pero madalas nakakaganda. Wala kang iniintinding iba, walang problema, walang sakit ng ulo, pero wala din namang nagaalala para sayo, nagcacare or concern kung nakauwi ka ba ng ligtas o kung naharang ka ng riding in tandem sa EDSA. Yung madalas kumain ng mag isa, at walang nagtatanong kung kumain ka na ba.

 

Pero minsan kase, kung kapalaran mo man mag isa, o mag isa ka muna ngayon, may dahilan talaga si Lord, sabe nga sa bible, maraming problemang kaakibat ang pag aasawa, yung mga hindi nakapag asawa ay inililigtas lamang ni Lord sa mga problema at alalahanin na yon. (1 Corinthians 7:28)

 

Pero baka naman nga, inihahanda ka pa lang ni Lord, pati ang lalaking makakatuluyan mo. Mas matagal na paghihintay para sa tamang tao, mas magiging magaan ang mga mahihirap na pagdadaanan niyo.

 

O baka natraffic lang, o nadaanan ka na, pero hindi pa lang talaga ito yung panahon dahil binibigyan ka pa ni Lord ng oras para sa sarili mo at sa priorities mo. Para pagdating niya, focus na kayong dalawa sa isa’t isa.

 

Hindi ba?

 

Ang sarap sa feeling ng may nagmamahal at minamahal. Mas magiging masaya kung mahal ka din naman ng mahal mo at the same intensity ang love niyo para sa isa’t isa.

 

Pero kung hindi pa ito, huwag na huwag mong ipipilit dahil kung nakalaan ay nakalaan bakit naman mauudlot? Huwag kang matakot, balang araw mayroon ding lalaban para sa atin.

 

Tayong mga babaeng mandirigma ng pagibig katulad ni Chinggay. Huwag kang susuko. Mas masaya kung mamahalin mo muna ang sarili mo, at pag nangyari na iyon, hindi ka na masyadong malulumbay.

 

Pwede kang maghintay, isa pang taon,2 years, 3 years and so on and so forth.

 

But most of all pray for yourself and for that person. Makilala mo man sya or hindi.

 

Advertisements

Published by

Jnnpld

Hi, I'm j, 21 years of age. I am a fresh graduate of architecture. I want to explore life to the fullest. And if you want to talk to me, please do. jannapalad@gmail.com

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s