Hanggang Kailan?

Yung ‘i miss you’ na yan,

yung ‘i love you’ na yan,

nararamdaman mo pero ang hirap hirap sabihin.

Ang hirap hirap aminin.

Madalas nauuna yung takot mo,

sa isang bagay na hindi ka sigurado sa kahahantungan,

sa kalalabasan,

Nakakapanghina ng loob.

Nakakatakot ding isipin.

Nakakakaba;

na baka mamaya, sabihin mo nga sa kanya pero hindi naman pala kayo parehas ng nararamdaman.

Na baka hindi mo pa kayang sumugal dahil takot kang masaktan at matalo.

Pero hanggang kailan?

Hanggang kailan ka magpapadaig sa nararamdaman mong takot at pag-aalangan?

Hanggang kailan mo papatunayan sa sarili mo ang bisa ng nararamdaman mo?

Hanggang kailan ka maninimbang at maninigurado?

Hanggang makalimutan mo, yung nararamdaman mo?

O hanggang mawala na siya ng tuluyan dahil sa maraming pwedeng kadahilanan?

Isa sa dalawa,

Pwedeng aminin mo, pero masasaktan ka.

O kaya aminin mo tapos ganon din pala ang nararamdaman nya.

Pero san ka ba mas magiging handa?

Sa kung masasaktan ka,

O sa posibilidad na magbago na ang ikot ng mundo mo dahil sa kanya?

Advertisements

Published by

Jnnpld

Hi, I'm j, 21 years of age. I am a fresh graduate of architecture. I want to explore life to the fullest. And if you want to talk to me, please do. jannapalad@gmail.com

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s