Ms. Congeniality

I heard this term, it sounds familiar to me.

Ms. Congeniality..

Let’s see why.

Hmm..

From the movie?

Yes. yes! The movie of Sandra Bullock from the year 2000; which I just watched a few minutes before.

But I want to get to know more about this term, not that it bothers me but someone associated these words with me; he said I am Ms. Congeniality.

It sounded nice to my ears but I don’t really know what that means. (Really, I know how to write and speak english but there are still a lot of words that I don’t use and don’t get to meet everyday.). So, I researched. And this is what ‘congeniality’ means according to google: They are warm, friendly, and probably well-suited to serve on welcoming committees. The noun congeniality is closely related to the word geniality, which means“friendliness.” Congeniality can be defined the same way, but the Latin prefix con, or “with,” adds a sense of connection to other people.

It is indeed a nice word to associate with me, I want to use ‘describe’ instead of ‘associate’ but google said it is a noun.

When I heard somebody called me ‘Ms. congeniality’, I was flattered, I laughed at it in a nice way and shrug it off. Because, i don’t really know the meaning of the word but it sounds flattering so I look for its proper meaning and came to think about it; if the title is really suitable for me. I don’t mean it to sound like an award or something but I want to think of it as a compliment which it is.

But how did they come up with me being ‘Ms. Congeniality’.

Here’s my story..

*winks, taglish na to.*

______________________

It was one fine evening after school. We were about to go home; me and my friends. I was with my chebangs; as we call each other.I am happy that night. That was one of my most baliw nights. Siguro excited na excited akong umuwi noon at hindi ako masyadong stressed kaya light lang yung mood ko, walang pressure, walang iniintindi masyado, ganon. Masaya silang kasama, lalo pa, sila yung mga kasabay ko pauwi kase iisa kami ng byahe, mapa-bus man o jeep.

Sa program kase namin; Architecture. Hay, mapapa-‘Jusko’ at ‘Oh my gad’ na lang kami sa hirap. Yung sa mga pages na secret files ganon, marami-rami na ding nagcoconfess sa hirap ng kursong tinahak namin pero yung marami, nagtataas lang ng kilay at napapacross pa ng arms sa mga ‘yon kasi daw pantay-pantay lang naman daw kasi yung hirap ng lahat ng programs. Wala naman kaming pinaglalaban talaga at hindi rin naman ako yung nagsubmit nung confession pero tama naman nga ‘diba. Lahat kase ng kurso, mahirap, walang mas lamang. Pero hindi talaga. Mahirap talaga Architecture, pero alam ko naman na ginusto namin to. (HAHA).Pero natapos kami! We are fresh Graduates! Magdiwang!

Okay, balik tayo sa kwento.

I was in 4th year college, I can’t remember the time of year; maybe around the 2nd semester of it yun.

Ayun nga, magkakasabay kami sa terminal, pauwi na. Rush hour na noon. Marami nang tao sa terminal, agawan na ng jeep. Pakiramdaman kung aling jeep na yung susunod sa pila. Hindi kase sinasabe nung mga barker kung ano yung susunod na babyahe hangga’t hindi pa puno yung jeep na nagsasakay kase baka mauna pang makaalis yung mga nahuli sa pila. Kaya yung mga pasahero, estudyante at empleyado, sabay sabay na sa pagsakay at paghintay ng masasakyan.

Ipapakilala ko pala sa inyo yung mga kaibigan ko na kasama ko. Itago na lang natin sila sa mga pangalang Lanz, Doty at Agia. Hindi ko na sila idedescribe pero matatangkad sila, siguro si Lanz, 5’10, si Gia at Doty, 5’7 at ako… 5’2. kasinglaki lang ako ng mga magiging batang anak nila. Pero okay lang. haha! (Pagbigyan niyo na yung tawa ko.)

So ayun, habang naghihintay kaming makasakay, nakasabay namin yung kuya ni Lanz. Si Lanz, remember? yung 5’10. Nakasakay din namin sya sa jeep, nakaupo siya sa may bandang unahan, sa may likod ng driver, kami naman, nasa may bungad lang. So ayan, sa una pa lang, medyo maingay na ata kami non, kwentuhan, tawanan, chill lang. Pero hindi naman yung ingay na tipong annoying tapos makikita mo na lang yung mga kasakay mo na nagsisitirik na yung mata sa kaka-irap. Hindi e. May mga nakasabay din kami na mga schoolmates and ka-program. Mga lower years that time. Kakilala ko naman sila pero hindi namin masyadong ka-close, yung mga tipong; ( Hi, I know you and your course, ngingitian kita type).

Pero while we were on the way home, talagang dire-diretso yung tawanan namin, and honestly, ako yung namamangka. Ang daldal ko/namin sa loob ng 30 minutes kong byahe. sila, mga 45 minutes. Mas malayo sila. Medyo napapalakas na yung tawanan kasi nga ang havey nung mga topics namin. Benta. Pati yung mga katabi namin, natatawa na. Tapos kase halos lahat ka-ngitian ko naman sa jeep so, good vibes. 

Hindi ko matandaan kung nilibre ba kami ng kuya ni Lanz e, pero nung pababa na ako nung jeep, naaalala ko lang na nag-‘bye’ ako sa kanya.

Sinabi na lang sa akin ni Lanz na ‘Ms. Congeniality’ yung tawag sa akin ng kuya niya. Kase daw parang lahat ng nasa jeep na yon, kakilala ko. Majority lang siguro pero hindi lahat.

So yun na yung history nyan.

___________________________

Then there is this one story.

Hindi ko alam kung may kinalaman pa to sa pagiging ‘Ms. congeniality’ ko pero ikukwento ko na din. Kasi ayokong makalimutan ‘tong mga ganitong memories. Para kaseng ang bilis ng panahon. Today, fresh graduate ako, then in the next months to come, hindi na ko fresh. I mean, ang bilis, tomorrow I might have my first stable job and then i get to have all my firsts as an adult, may it be a possession or another memory but still, the point is, mabilis. Right now is already the tomorrow I was saying yesterday, because it’s already 1:15 AM.

Here goes the story..

Back in my college days na hindi pa naman masyadong lumilipas..

Around the time na 3rd year to 5th year, tamad na akong magpapasok. Yung schedule kasi sa university na pinapasukan ko, madalas matapat sa amin yung pangit na sched. Well, pangit kasi talaga yung sched, hindi lang sa amin. Nandiyan yung long hours ng vacant. Na if you will compress, half day lang sana everyday. Pero hindi, sometimes we encounter 7 hours of vacant time. Tapos in that day, isa or dalawa or tatlong subjects lang, but hell, was 7 hours apart.Mga ganon. Pero I don’t regret and hindi ko naman sinusumbat yon, tanggap namin yon, because we built bonds and friendships in those vacant hours. Pero pag may architectural plates, at wala namang quizzes or important things to do or to catch on that day, di na ako pumapasok. Nasasayangan kasi ako sa oras, real talk na naten ito. Plus, my mother gave me my allowance for the whole month, bina-budget ko na lang so kapag may mga araw na walang pasok at hindi ako pumapasok, akin pa rin yung allowance *victory smile*.

Pero there is this instructor of ours, na turned out to be a nice instructor and mentor na rin somehow for me. Hindi na ako magne-name drop. Pero he was our instructor since 2nd year.

I am good at his subjects, nageexcel naman ako sa mga yon kase I have a good memory. Yes, kabisote din ako, e nagkakataon na puro kabisahin yung mga subjects na tinuturo niya. So nagkakasundo na din kami. Yung so-called-humor ko, bumebenta din sa kanya. Pati sa klase niya, sa mga kaklase ko.

Naaalala ko there was a time na na-late ako kasi 7 am yung klase niya, first subject namin. Mabagal kasi ako kumilos sa umaga. Tatawad pa ko ng mga 15-20 minutes sa alarm bago ako bumangon tapos mabagal pa yung jeep na masasakyan ko. So ayun, late. Nagdidiscuss siya when from the back of the room, pumasok ako tapos umupo ako sa unahan, nahawi yung mga monoblock chairs kase nakakalat, pero wala akong ibang maupuan. Kundi sa harapan, sa gitna. Ayun, that was one moment. Nadistract ang lahat. There was a moment of silence. Pero natawa na lang lahat nung sinabi ni sir na nadistract sya dahil nahawi lahat ng chairs.

Then there was the highlight of this story.

4th year college, around mga 2nd semester. Absent ako non, siguro those were one of the days na tinamad ako kase mahaba na naman yung vacant or, sya lang yung subject na papasukan ko so I chose to stay at home. Hinahanap niya ako kase tahimik daw. Sinabi lang nila chebang. And yes, parang somehow gusto ko na din isipin na minsan kase, nagiging life of the party ako, or subject rather. Or in anyway na, naipapakita ko lang. I don’t want this to sound arrogant or boastful pero gusto ko lang tong maikwento.

Then there was this day na pumasok ako, pero hindi siya yung instructor namin. Nasa may faculty yung klase namin, wala pa yung talagang instructor so nagmeryenda break muna kami. Kulitan ulit within the room, nakapalibot yung mga kaibigan ko malapit sa akin, nakapalibot kami sa isa’t isa. Bumili ako ng Choc-O non, may kaklase akong matakaw, itago na lang natin siya sa pangalang Noel. Nakiinom sya, sa straw ko. Pinainom ko naman. Tapos dun na nagsimula yung joke ko. Yung pag ininuman ko din yon, para na din kaming nag-kiss. Yung mga ganong biruan. Tapos dire-diretso na. Tawa lang kami ng tawa. Tapos lumabas si sir; sabi niya lang sa amin;”Talagang pag nandito si Ms. Palad, ramdam na ramdam niyo ano.”

Hay nako, hindi ko malilimutan how my heart fluttered at the sound of those words like from that moment, alam ko na kahit papaano, may value ako. Huwag sanang mawawala sa akin ‘yon. I want to continue bringing smiles to people.

I firmly believe na, you can become funny without being mean. And that’s what I always want to prove.

If that’s what it means being a ‘Ms. Congeniality’, papanindigan ko to, kahit title in the air lang yan. Or kahit wala yan, if I can bring even the littlest difference in this world or to other people through my warmth and the smiles I can give them, then Lord please be my guide.

 

 

Advertisements

Published by

Jnnpld

Hi, I'm j, 21 years of age. I am a fresh graduate of architecture. I want to explore life to the fullest. And if you want to talk to me, please do. jannapalad@gmail.com

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s