Nanahimik ako.
Sa buhay ko, tahimik kong hinihintay ang araw na makikilala kita.
Nagdadasal, naghihintay, nag-aabang, umaasa na sana balang araw, makilala kita.
Anong itsura mo, sino ka? Wala akong ideya.
Araw-araw na naghihintay na hindi ko ba alam na baka naghihintay lang ako sa wala.
Inaamin ko,na madalas, sumusuko ako,sa sarili ko at ayoko na umasa na dadating pa kung may nakalaan man na tao para sa akin,
Paminsan minsan, hinahayaan ko naman na umasa ako sa pagdating mo at na ipapaunawa mo sakin na ang buhay ay higit pa sa inaakala ko.
Pagkatapos ng ilang taon, nakita ko ulit na unti unting nabubuhay ang paligid ko at sa wakas binibigyan ulet ng pagkakataon na sumaya din ang sarili ko katulad ng ibang tao. Pakiramdam ko kase hindi ako karapat dapat maging masaya.
Pero eto na naman ako.
Unti unting nababasag nang hindi ko naman din gusto at iniisip na;
Kaya ko. Kahit wala ka, kaya ko. Mas gusto ko na nakikitang masaya yung mga tao sa paligid ko. Kahit hindi na ako. Dahil alam kong kaya ko.
Alam ko ang pakiramdam ng mag isa. Kahit sa buhay na ‘to, hindi ka naman talaga mag isa. Marami kang kasama, marami kang pwedeng tawagan, marami kang pwedeng dasalan, at dasalin. Madalas, nasa pagpili mo ang pagiging mag isa.
Masaya mag-isa minsan, kailangan mo naman talagang mapag isa minsan. Masaya din naman ng may kasama ka.
Nasasayo, anong tamang timpla mo?
Pero ako, hindi ko na alam kung mas masaya ba ko sa buhay na may kasamang bagong tao.
Ang buhay hindi mo matantya, madalas nakikipaglaro ang tadhana. Madalas akala mo eto na pero tangina hindi pala.
Nananahimik ka na nga, may dadating pa at papaasahin ka sa mga bagay na masaya, oo masaya, pero hindi mo naman pinapaniwalaan na para sayo talaga. Pero aasa ka, kasi minsan mas gusto mong magpakatanga at maniwala na karapat dapat ka rin ngang maging maligaya.
Sa una lang naman talaga madalas na nagiging maganda. Bakit nga ganon, ano? Sino bang may gusto na sa una lang lahat ng saya.
Pero bandang huli, kapag ang lahat ng bagay, nagawa na at nasabi, hindi pang walang katapusan ang nasasambit kundi pagsuko at pagsisisi.
Hanggang kailan? Paulit ulit kong nararanasan na maghintay at umasa sa wala.
Hanggang kailan? Kailan ako matututo na tuluyang manahimik na lang. Nakakapagod. Nakakagago. Nakakabaliw.
Ayos na ko.
Ayos na sana ako noon, buo ako, pinilit kong buuin yung sarili ko para sa taong baka kailangan ako, hanggang sa eto na naman ako at pinaglalaruan ulet ng panahon.
Buo pa rin naman ako pero hindi ko maiwasan madurog sa t’wing madidismaya ako ng mga taong akala ko mapagkakatiwalaan ko.
Ano bang akala nila sa akin? Pinipilit kong unawain lahat ng bagay. Sinusubukan kong maging maayos at hindi gumawa ng masama kaninuman kase umaasa ako na babalik sakin to, at ibabalik nila sa iba.
Puros kabutihan. Pero hindi ganon ang buhay.
Kasamaan ang nagpapabalanse sa ibang mga bagay.
Sa mga oras na to, nakakapanlambot. Na ganito na naman ang mga sinusulat ko. Baka ito na ang hudyat na itigil ko na, ang pagsusulat sa’yo na wala din namang kasiguraduhan at walang kapatutunguhan.
Ang panlasa ko, singpait ng ampalaya, singtapang ng kapeng barako, nagbabalik na naman ako. ayoko na.
Ayoko na..
Sabe nila, sukuan mo na ang ibang tao huwag lang ang sarili mo, pero paano? Sabihin mo sa akin paano?
Mas madalas na ako ang hindi sumusuko sa tao at sila ang sumusuko sa akin.
Paano,sabihin mo sakin paano?
Mas madalas na ako ang pumipili ngunit hindi ako ang pinipili.
Paano nga, sabihin mo nga sakin paano?
May mga gabi na napakahirap idaos, bute na lang natatapos ang gabi. Nakakatulong ang pagsikat ng araw.
Nagpapaalala na may panibagong pag asa.
Kung aasa ka pa.
Araw araw na natutunan ko na; na ang saya hindi lang nabubuhay sa mga ngiti sa labi at halakhak na wagas.
Pero pati na rin sa mga katawan na nakatupi sa sakit at sa mga patak ng luha sa ibabaw ng aking unan sa t’wing madaling araw.